Brgy. Alabang

BARANGAY PROFILE

With a total land area of 8, 064 square kilometers and a population of 63,973 Philippine Statistics Authority 2015). Barangay Alabang, shapes like a heart, lies in the center part of the bustling City of Muntinlupa. Margined on the east by Laguna Lake, bordered by Barangay Ayala Alabang on the West, on the north by Barangay Cupang and on the south by Barangay Bayanan.

Considered as the Trade Route of Southern Metro Manila, and the Economic Center of the City, Barangay Alabang with its infrastructures development sprouting like mushrooms, maybe a year or two, will emerge as the major Trading Center of the South.

Total Land Area8.064 sq. kms.
No. of Purok13
No. of Sitios7

HISTORY

Ayon sa salin-saling kwento ng mga namayapa nang matatanda hanggang sa matatandang nabubuhay pa hanggang ngayon sa Alabang, nagmula ang salitang Alabang sa dalawang salita: ALIBANGBANG at ABANGAN.

Noong panahon ng Kastila, sinasabi nila na maraming puno ng Alibangbang ang nakatanim sa Alabang, at palibhasa’y bihira pa ang mga tao noong panahong yaon, kaya malawak ang nasasakupan ng mga punong Alibangbang, matataba rin ang puno at malalabay ang mga sanga nito, na tumataas din ng humigit kumulang na 20 piye.  Ang mga dahon nito ay kasing laki ng palad ang lapad, at wari’y kambal itong nakabuka kung araw at kusang tumitikom pagsapit ng gabi.  Ang mga dahon at bunga nito ay naipangsisigang din anila dahil sa asim nito.

Pagsapit din ng gabi, pinagkukulumpunan ito ng napakaraming alitaptap. Gamit ang kanilang pangtanglaw na ilaw sa puwet, sinisila nila ang mga insektong dumarapo sa  nasabing puno.

Sa nasabi ring panahon, anila, abangan din ng mga tulisan ang Alabang sa kanilang pangungulimbat na isinasagawa sa mga komersyanteng nagbubuhat sa katimugan na nagluluwas ng kanilang mga kalakal. Ang ginagamit na ruta ng mga komersyante ay mga daan sa tabing dagat.  At sa biyaheng dagat, gamit ang kasko kung tawagin.  Animo’y isang malaking Bangka ito, dito nila inilululan ang kanilang kalakal na iniluluwas.

Nabanggit din, na tinambangan ng mga tulisan ang mga Kastila sa Alabang, at nakatangay ang mga ito ng malaking kayamanan kabilang ang maraming piraso ng mga ginto.Ibinaon ito ng mga tulisan sa mga karatig Barangay ng Alabang.

Bilang patotoo, maraming nagpapatunay na matatanda na may nahukay na isang gusi ang isang Taga-Bayanan na ang laman ay maraming ginto na hugis bibingka.

Sa pagdaan ng panahon, naging Alabang na ang dalawang salitang:  ALIBANGBANG  at ABANGAN.

Sa kasalukuyan, wala ng mga punong Alibangbang na makikita sa Alabang. Wala na ring mga tulisang nag-aabang ng kanilang makukulimbat. Salamat sa Diyos, lakip ang kanyang patuloy na pagmamahal at biyaya sa mga Taga-Alabang.  Ginawa niya itong isang pamayanang napaka-unlad. Pinakamaunlad na Barangay sa buong Muntinlupa. At marahil sa buong Pilipinas na rin.

VISION

A responsive, proactive and responsible caring community to the diverse needs of its members. A business hub in the heart of Metro rooted on its rich-local historical heritage and having citizens who are holistically developed, God-fearing, patriotic and compassionate to the needs of Barangay Alabang residents regardless of sex, gender, ideologies and beliefs.

MISSION

Barangay Alabang, a local government duly organized and existing in accordance with Philippine Laws, with principal office at Liwasan ng mga Bayani, Barangay Alabang, Muntinlupa City, represented by Hon. Ariel J. Gonzaga-Punong Barangay, is committed to be a responsible barangay that practices good governance with transparency inspired by a culture of excellence, service and honesty; using its legislative, law enforcement and quasi-judicial power to maintain peace and order, secure health and sanitation, and dynamic cultural pursuits, delivering the best public service to the community.

ORGANIZATIONAL CHART

Language »