April 2, 2018 SPES Orientation Batch 1

Nagkaroon ng Special Program for Employment of Student (SPES) Orientation ang Batch 1 noong ika-2 ng Abril 2018 na ginanap sa Ayala Malls Southpark, Ang orientation ay isinagawa para mabigyang impormasyon ang mga SPES Beneficiaries sa kanilang magiging trabaho at benepisyo sa ilalim ng programa na pinangungunahan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Ms. Glenda Z. Aniñon kasama ang kaniyang staff. Kasama rin sa programa ang DOLE Muntaparlas na pinamumunuan ni Dir. Nepomuceno Leaño II, kasama ang kaniyang staff na sina Ms. Ruby Dimaano at Mr. Wesly Gacutan. Naroon din ang PCO representative na si Ms. Marnelie Ramos para bigyan ng advise ang mga SPES Beneficiaries sa kanilang mga gagawin. May 140 SPES Beneficiaries na dumalo sa orientation kasama ang kanilang magulang.

Ang SPES ay taunang Programa para sa mga kabataan na handog ni Mayor Jimmy Fresnedi.

 

*Source: Public Employment Service Office

Language »