Mega Jobs Fair with Rotary International District 3830

Ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pangunguna ni Mayor Jaime R. Fresnedi ay nagkaroon ng MEGA JOBS FAIR with Rotary International District 3830 sa Activity Area Ayala Malls Southpark Alabang Muntinlupa City noong ika – 26 ng Enero, 2019 (Sabado). Ito ay pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Ms. Glenda Zamora-Aniñon kasama ang kaniyang staff, past president Ms. Emelita Alvarez at iba pang Rotarians. Ang nasabing aktibidad ay may mahigit na 736 na aplikanteng nagapply; gayundin mayroong 50 na kompaniya ang lumahok at 2,425 vacant positions ang nakuha.

Bumisita sina Bb. Ruby Dimaano at Bb. Tess Bassig ng Muntaparlas Field Office. Sinuportahan at bumisita si City Mayor Hon. Jaime R. Fresnedi at pinasalamatan ang lahat ng kumpaniyang dumalo sa nasabing programa.

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad dahil sa mahigit kumulang 171 na aplikante ang na Hired on the Spot (HOTS).

 

*Source: Public Employment Services Office

Language »