MAY 1, 2018 LABOR DAY MEGA JOBS FAIR

Bilang paggunita sa Araw ng mga Manggagawa ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Jaime R. Fresnedi ay nagkaroon ng MEGA JOBS FAIR sa Activity Area Ayala Malls South Park noong May 1, 2018 (Labor Day). Ito ay pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Ms. Glenda Zamora-Aniñon kasama ang kaniyang staff. Ang nasabing aktibidad ay may mahigit na 1,484 na aplikanteng nagapply; gayundin mayroong 74 na kompaniya ang lumahok at 6,300 vacant positions ang nakuha.

Bumisita sina DOLE Under Secretary Claro Arellano kasama si Dir. Nepomuceno Leano ng DOLE Muntaparlas at G. Ben Alegre. Sinuportahan at bumisita din si City Administrator Engr. Allan A. Cachuela at MCTI-Dir. Frances Santela, kasama ring umalalay ang Public Order and Safety Office (POSO).

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad dahil sa mahigit kumulang 358 na aplikante ang na Hired on the Spot (HOTS).

 

*Source: Public Employment Service Office

Language »