24TH CITYHOOD MEGA JOBS FAIR (MARCH 1, 2019)

 

Ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pangunguna ni Mayor Jaime R. Fresnedi ay nagkaroon ng 24TH CITYHOOD MEGA JOBS FAIR sa Activity Area, SM Center Muntinlupa, Tunasan Muntinlupa City noong ika – 1 ng Marso, 2019 (Biyernes). Ito ay pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Ms. Glenda Zamora-Aniñon kasama ang kaniyang staff. Ang nasabing aktibidad ay may mahigit na 588 na aplikanteng nagapply; gayundin mayroong 52 na kompaniya ang lumahok at 2,985 vacant positions ang nakuha. Naging matagumpay ang nasabing aktibidad dahil sa mahigit kumulang 181 na aplikante ang na Hired on the Spot (HOTS).

 

*Source: Public Employment Service Office (PESO)

Language »