COUNCILOR VALENTINO NIEFES

 

Councilor VALENTINO NIEFES

Ako si Valentino “TING”  Dullavin Niefes ipinanganak noong May 16, 1969  ika- anim na anak nila dating Konsehal Roman E. Niefes at Concepcion S. Dullavin. Nagtapos ng aking elementary sa Putatan Elementary School, ng aking sekondarya sa Muntinlupa National High School at sa Centro Escolar University ng aking kolehiyo sa kursong Dentistry.

Ang aking asawa ay si Rowena Barretto Dangani na isang Optometrist at ako ay may dalawang anak na sina Val Dilwyn D. Niefes at Chelsea Paula D. Niefes.

Pinasok ko ang larangan ng politika noong taon 2002. Tatlong terminong nagsilbi bilang kagawad ng brgy Putatan mula 2002-2013. Nabigyan ng pagkakataon na maging hepe ng Lake Management Office noong taon 2013-2018.

Ang aking ama na si Roman E. Niefes ay naging Kapitan noong 1986-1988, naging konsehal noong taong 1988-1995. Ipinalit ng aking ama ang aking kapatid na si Konsehal Baldomero D. Niefes bilang kanyang kapalit noong 1988-2007  matapos nyang matapos ang kanyang termino. Bumalik sa pagiging konsehal ng lungsod ang aking kapatid noong 2010-2019. Ang aking nakakabatang kapatid na si Kgd. Alexander D. Niefes naman ang aking ipinalit bilang kagawad ng brgy noong  natapos ang aking termino bilang noong taong 2013 hanggang sa kasalukuyan


SERVICES OFFERED

  1. KARAMAY NYO PO AKO TULONG HATID SUNDO
  2. PROYEKTONG PANG-OKASYON LIBRENG HIRAM NG LAMESA AT UPUAN
  3. ORIGINAL NA PAKAPE NI TING NIEFES
  4. LIBRENG TUBIG MULA KAY TING NIEFES
  5. BIGAS PARA SA MASA
  6. NOODLES PARA SA MASA
  7. SARDINAS PARA SA MASA

CONTACT INFORMATION

  • GLOBE: 0917 693 0722
  • SMART: 0928 180 4649
Language »