Market On Wheels

Nag-umpisa nang magserbisyo ang City Government of Muntinlupa Market on Wheels ngayong ika-30 ng Marso. Naglilibot ang truck na may lamang mga produkto na maibebenta sa mga mamamayan na upang hindi na kailangan pang lumabas para makabili ng mga pangangailangan. Sa ngayon ay mga gulay pa lamang ang laman ng Market on Wheels at kasalukuyang umiikot sa Soldiers Hills, Putatan. Nakaplano itong magserbisyo sa mga lugar ng: Mutual Homes 3, RCE Homes, MRH at Soldiers Hills Village.

 

*Source: Public Information Office