COUNCILOR VICTOR LANDRITO ULANDAY

Councilor VICTOR LANDRITO ULANDAY

Taal na taga-Muntinlupa, ipinanganak si Konsehal Victor Landrito Ulanday noong Marso 27, 1945 sa Barangay Alabang.  Ikalawa sa anak nina Pilar Concepcion Benedicto Landrito at dating Konsehal ng Bayan ng Muntinlupa, Rodolfo Cruz Ulanday. Likas sa pagbibigay ng "Serbisyo Publiko"  na nagsimula sa kanyang ama na si Rodolfo Cruz Ulanday na dating Konsehal ng Bayan ng Muntinlupa sa pamunuan ni Mayor Francisco de Mesa at naglingkod din bilang Pangulo ng Rotary Club of Muntinlupa.

Ang anak ni Konsehal Victor L. Ulanday na si Voltaire "VJay"  C. Ulanday, ay dating SK Kagawad ng Barangay Alabang at si Vergel C. Ulanday, na dating Konsehal ng Lungsod ng Muntinlupa. Sa kanyang murang edad, si Konsehal Vic Ulanday ay naging jeepney driver, UP Library Assistant Librarian at Student Field Researcher upang makatulong sa kanyang magulang sa pagtustos sa kanyang pag-aaral.

Naging Medical Representative ng Ciba-Geigy Philippines at Distributor ng Pharmamed kung kaya't nakarating siya sa iba't-ibang probinsya ng Pilipinas at, naging Hotel & Restaurant Manager rin siya sa California, U.S.A. Nagtapos bilang Salutatorian sa Alabang Elementary School, Second Honorable Mention at Batch Leadership award sa Muntinlupa High School, Consistent College Scholar at nakapagtapos ng Bachelor of Arts Major in Political Science sa University of the Philippines, Diliman.  Hindi niya natapos ang law nang siya ay hinuli  at ikinulong  nang ideklara ang Martial Law dahil sa kanyang pagiging Lider Estudyante at aktibista sa University of the Philippines. 

Dahil gusto niyang ibahagi sa mga kabataan ang kanyang nalalaman, nagturo si Konsehal Ulanday at naging Political Science Professor sa University of Perpetual Help of Rizal, Las Piñas City Campus mula 1992 hanggang 2002 at Professor sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMUN)  mula 2010 hanggang sa kasalukuyan at nagtuturo ng mga subjects na History, Logic, Political Science, Sociology, Rizal, Philosophy, Anthropology at Philippine Government. 

Kilala sa Lungsod ng Muntinlupa si Konsehal Ulanday sa kanyang aktibong paglahok sa maraming organisasyong progresibo at makabayan bilang Pinuno at kasapi tulad ng Samahang Batya, JAJA – Muntinlupa, Muntinlupa for Liberty and Truth, NAJFD, BAYAN, Bayan Muna Party List at ngayon ay Muntinlupa for Independence, Nationalism and Democracy (MIND). Naging Convenor at Pangulo ng Muntinlupa Chapter ng Partido ng Bayan (1987) at ng Liberal Party.  Isa rin siyang Municipal Officer ng PDP-Laban noong 1984. Sa kasalukuyan, Treasurer siya ng Philippine Councilor's League Muntinlupa City Chapter at kasapi ng Philippine Councilor's League of the Philippines. 

Ang mga iba pang organisasyon na kanyang sinalihan ay University of the Philippines Alumnae Association, Beta Sigma Fraternity - University of the Philippines Chapter at Masonic Lodge of the Philippines,  Education Campaign Volunteer  ng  United Nation Philippines - Muntinlupa City Anti-Tobacco Anti-Smoking Campaign, Inimbitahan at dumalo si Konsehal Victor Ulanday sa Global Conference on Urban Development na ginanap sa University of California, Los Angeles noong October 21-23, 1999.

Itinataguyod din ni Konsehal Victor L. Ulanday ang mga Sports na Basketball, Boxing, Cycling, Dama at Billiard na kung saan siya ay naging Philippine Team Observer sa World Billiard Championship na ginanap sa Cardiff, Wales noong taong 2003.  Bilang manlalaro ng Chess, binuo ni Konsehal Ulanday at nahirang bilang Chairman ng Muntinlupa City Chess Federation. 

Upang higit pang makapag-lingkod sa mamamayan ng Muntinlupa, pumasok siya sa Lokal na Pamahalaan:

Mga posisyon:
  • Halal na Konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa: July 01, 2016 hanggang sa kasalukuyan July 01, 1998 - August 16, 2002 July 01, 1995 - June 30, 1998
  • Consultant, Mayor's Office, July  01, 2009 - May 16, 2010 Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa
  • Halal Barangay Chairman, August 16, 2002 hanggang November 30, 2007 Pamahalaang Barangay ng Alabang, Lungsod ng Muntinlupa

Bilang dating Konsehal,  tinagurian si Konsehal VIC ULANDAY na “Fiscalizer”  at  “Fighter ng mamamayan sa Konseho”. 

Muling pinalad na mahalal si Konsehal Victor L. Ulanday noong 2016 upang kanya muling maipagpatuloy ang mas malawak na paglilingkod.  Pangunahin niyang pagtutuunan ang mga programa para sa Edukasyon, Kalusugan, Senior Citizen, PWD, Labor at Environment.  

Bilang lehislador at kasapi ng ika-8 Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa.

Komite na Kinapapalooban:
Ways and Means  Chairman
Justice and Human Rights  Chairman
Blue Ribbon  Vice - Chairman
Barangay Affairs  Vice - Chairman
Rules, Ethics and Privileges  Member
Appropriations  Member
Education  Member
Public Order, Security and Safety  Member
Personnel Administration  Member

Mga Naipasang Kautusan o Ordinansa:

Si Konsehal VICTOR L. ULANDAY din ang Pangunahing may akda ng una at

isa sa landmark Ordinance ng Muntinlupa hinggil sa mga bata, ang Muntinlupa City Ordinance No. 99 - 048 na may titulong “An Ordinance Declaring Muntinlupa as a Child Friendly City”.

  1. Kautusang Panlungsod Bilang 16-017 - Kautusan na nagkakaloob ng halagang Dalawang Daang Libong Piso (Php200,000.00) bilang tulong pinansyal sa mga naulila ng dating Punongbayan Santiago V. Carlos Jr., na pumanaw noong ika-20 ng Setyembre 2016.
  2. Kautusang Panlungsod Bilang 16-020 - Kautusan na maglalaan ng halagang Limang Milyon, Limangdaang Libong Piso (Php5,500,000.00) para sa paglalabas ng Centennial Business Plate bilang isang commemorative plate ng paggunita sa ika-100 taong kasarinlan ng Lungsod ng Muntinlupa.
  3. Ordinance No. 16-022 - An Ordinance amending Article III, Sections 109, 110, 111 and 112 of Ordinance No. 93-35, entitled, "An Ordinance Adopting the Revenue Code of Municipality of Muntinlupa."
  4. Ordinance No. 16-023 - An Ordinance Imposing Fixed Tax on Business on Fishpond, Fishpens or Fish Breeding Grounds, Per Hectare or Fraction Thereof.
  5. Kautusang Panlungsod Bilang 16-024 - Kautusan na Inaamyendahan ang Seksiyon 2 (B at C) ng Kautusang Panlungsod Bilang 16-017, na may titulong "Kautusan na nagkakaloob ng halagang Dalawang Daang Libong Piso (Php200,000.00) bilang tulong pinansyal sa mga naulila ng dating Punongbayan Santiago V. Carlos Jr., na pumanaw noong ika-20 ng      Setyembre 2016."
  6. Kautusang Panlungsod Bilang 17-053 - Kautusan na Inaamyendahan ang Seksiyon 1, 2, at 3 ng Kautusang Panlungsod Bilang 98-013 na may titulong "Kautusang Panlungsod na Ipinagbabawal sa Sinuman ang Gumamit ng Labag na Pamamaraan sa Pangingisda sa Lawa ng Laguna na Nasasakupan ng Lungsod ng Muntinlupa."
  7. Kautusang Panlungsod Bilang 17-068 - Kautusang Panlungsod na Nagdi-deklara na Tuwing Sasapit ang Huling Lunes ng Pebrero ng Bawat Taon ay ang Paggunita ng Kapanganakan ng Magiting na Dating Punongbayan Baldomero Loresca Viñalon.
  8. Kautusang Panlungsod Bilang 17-087 - Kautusang Panlungsod na Inaamyendahan ang mga sumusunod na Seksiyon 6.B.: Seksiyon 6.B i, ii, at iii  at Seksiyon 8.4.B i, ii o ang mga Probisyong may Penal / Parusa ng "Kautusang Panlungsod Bilang 04-013 o ang Kautusang Ipinagbabawal ang Sasakyang Pampubliko / Pampasahero o Pansarili na Nagbubuga ng Usok, Maputi o Maitim man sa mga Lansangang Sakop ng Lungsod ng Muntinlupa."

Mga Naipasang Kapasiyahan o Resolusyon:

  1.  Resolution No. 17-135 - A Resolution for the Dismissal of the Administrative Case Number 016-001.

  10. Kapasiyahan Panlungsod Bilang 17-139 - Kapasiyahan na Nagbibigay Pugay at Pagdakila sa mga Kababaihan ng Lungsod ng Muntinlupa ng Bansa at nang Sandaigdigan sa        Paggunita ng Araw ng mga Kababaihan, sa Marso 8, 2017.

Mga Pending na Lehislasyon:

  1. Kautusang Panlungsod na Nagdideklara na isang "Heritage Tree" ang "Puno ng Acacia" na matatagpuan sa San Roque de Alabang Church, Barangay Alabang at mapabilang sa Cultural at Historical Landmark ng Lungsod ng Muntinlupa.

            Refer sa: Committee on Environment, Natural and Aquatic Resources, Fisheries, Agriculture

  1. Kautusang Panlungsod na Nagdideklara na sa bawat taon, tuwing sasapit ang Unang Linggo ng Buwan ng Marso ay "Linggo ng mga Kababaihan ng Lungsod nang Muntinlupa" at, ang ika-8 ng Marso ay ang pagdiriwang nang "Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan" at paglalaan ng kaukulang halaga para sa paglulungsad ng mga aktibidad.

            Refer sa: Committee on Gender Equality, Women and Family Relations


Ilan sa mga natanggap na parangal ni Konsehal Victor L. Ulanday sa kanyang paglilingkod publiko ay ang:

  1. 2003 Most Outstanding Barangay Chairman awarded by the Philippine Youth Association.
  2. 1998 Most Outstanding Councilor Awarded by the Peryodiko ng Masa
  3. 1997 - 1998 Most Outstanding Councilor Awarded by the People's Network and Media Organizations
Language »